12.25.2008

like your beau, or somethin'?

so the newspaper was put to bed early last night, and i was able to go home to my parents' house in cavite just in time to attend last night's noche buena. unfortunately, naubusan na kami ng LPG.

yes folks, noche buena kagabi at kinailangan pa naming sumide-trip para bumili ng gasul -- na dapat pala ay shellane. hahaha riot talaga.

for that kumain na lang kami ng early dinner sa gerry's grill sa alabang town center dahil nagugutom na si dad. nakipagsikuhan din ako sa red ribbon para bumili ng cake - ang natira na lang ay ang junior choco mousse na pinatos ko na nang may maibigay naman kami dun sa tita kong dadaanan namin bago umuwi.

bandang hatinggabi dumating ang mga pinsan naming naglalakihan -- sina brent, mark at bea. ang toka ni krista e bumili ng "hard" at ang toka ni mark e bumili ng beer. si krista bumili ng gatorade at vodka ata, tapos si mark bumili ng 2 red horse. na grande.

anakng, e dalawa lang naman kaming iinom nun. sabi ko nga, shet sabi ko di na ako iinom ngayong taon. pero ika pa nga ni rissa - sabi ko lang yun! ah, she knows me well. hahaha.

so sa madaling sabi e naubos namin ni mark yung dalawang grande ano. ang pulutan namin e yung mga hinanakit sa buhay ni krista. (you asshole, when i see you i will bash your face in. -- akala ko lilipas ang galit ko eh. akala ko itutulog ko lang tas pagkagising ko ala na. e pucha nung nagising ako galit pa rin e. pagkaligo ko, galit pa rin ako. pagkakain ko ng breakfast, ngayon pagkakain ko ulit ng noche buena sampler ng mga kaopisina ko, galit pa rin ako eh. natutunan pala sa kin ha. ah ganon.)

anyway, ang feature hirit ng gabi ay siyempre, punchline ni wy:

krista: blah blah blah i hate him blah blah blah
wy: why, is he your beau or somethin'?

verbatim, folks. verbatim.

anyway, alas-tres na nang matapos kami magkwentuhan (read: nung maubos namin yung 2 grande) at kaninang umaga ang aga-aga akong ginising ng tatay ko kasi me dadaanan pa raw kaming binyag.

as in dinaanan lang. literal. pero ika nga yun naman talaga ginagawa ng mga normal na taong alang trabaho pag pasko di ba, ang dumaan sa mga kamag-anak. so kahit na for the first half of the day lang feeling ko mejo normal ang pasko ko kasi kasama naman ang pamilya at extended family at extended family thereof. win.

so ayun ngayon balik trabaho na tayo, at malamang sa malamang eh sa casa ako magpalipas ng gabi. sana pala binitbit ko yung beer na asa bahay eh. haahhaha. hindi na pala iinom ha. hahaha.

ayun. maligayang pasko sa inyong lahat! =)

1 comment: