12.24.2008

maligayang pasko!

sabi nila, ang pasko ay para sa mga bata. true.

nakakamiss yung mga times na ang kailangan mo lang gawin pag pasko e magbehave at umupo sa hapag-kainan at magpakyut sa mga pictures.

fastforward to 10 or so years later, ngayon hindi pwedeng uupo ka lang at lalafang. ano ka sineswerte? kung gusto mong umupo na lang, aba magugutom ka. ngayon, required ka nang pumila sa grocery. bago ka pa makarating dun, susuong ka pa sa traffic na "parang masamang panaginip lang" (dela vega, 2008). at bago pa yan, pipila ka pa sa ATM na parang prusisyon lang rin. at bago pa yan, magdadasal ka pa na sana may laman na ang ATM mo. hehehe.

nakakamiss yung mga times na ang pinakamalaki mong problema pag may christmas party ay kung ano ang isusuot mo (or kung isusuot mo ang bestidang binili ng nanay mo for you in the first place), isama mo na ang exchange gift na kailangan at least P50 noong 1990s (nabili na kaya ni mommy?)

fastforward to 10 or so years later, problema na rin ang christmas party itself - saan gaganapin, ano ang kakainin, sino ang magdadala ng ano, at pordiosporsanto ANO ANG IPAPARAFFLE. problema pa rin ang exchange gift, na dapat ay between P300-P500 na ang worth (or in our case, dapat recycled HAHA), at lalong problema ang outfit -- sexy ba? disente ba? kung makita ba ako ni ano ok lang ba yun? kasya pa ba sakin to in the first place?

haha. but this is not to say na olats ang pasko ng mga matatanda. (aray naman) after all, bukod sa season of giving e season of vices din ang pasko (namely, inuman at wasakan of yore) at labasan na rin ng mga talentong hidden (or, yung mga dapat tinago na lang haha) lalo na pagdating sa videokehan at kung anu-ano pang kalokohan. sa huli, kahit dinugo ang organizers sa pagpuput-together ng isang disenteng party para sa lahat e sulit naman ang buong gabi - lalo na kung may AFTERparty (YOOOOWN.)

*

anyway, sabi ng kapatid ko, after a decade e napalitan din ang christmas tree namin sa bahay. at dahil subsob sa trabaho nitong mga nakaraang buwan e first time ko siyang makikita tonight. mantakin niyo yan.

me halong kasentihan ito - yung huli naming krismas tree na puti e binili pa ng nanay ko, meaning buhay pa siya nun at therefore a long time ago. minsan ko nang pinangako na ako ang bibili ng ipapalit na christmas tree, pero since this year e sagot ko na ang bagong camera, siguro naman ok na yun di ba?! hehe.

so ayun. maligayang pasko sa inyong lahat. sana kasama niyo ang mga gusto niyong makasama ngayong pasko - pamilya, kaibigan, jowa, etc. sana kahit mahaba ang pila sa ATM (last trading day ngayon, go go go!), sa grocery (maaga atang magsasara ang shopwise!), sa edsa (good luck sa mga magcocommute pauwi!) at kung saan pa man, tandaan na ang mahalaga ay nasa pinakadulo ng lahat...

ang hapag-kainan. este, yung pamilya mamayang noche buena... sa palibot ng hapag-kainan. yown! merry christmas everyone!

4 comments:

  1. correction, 2 decades. bente na ako, ngayon lang ako nakakita ng green na christmas tree. well at least dito sa bahay. hahahaha. sayang hindi yung naggglow yung tips HAHAHA but it's nice and ..colored. sabi kasi ni auntie, sawa na siyang magpulot ng uuhhh leaves(?) every time nagagalaw yung puting christmas tree. HAHAHA XD

    ReplyDelete
  2. ambilis mo naman magreply. hahahahhaa =)

    ReplyDelete
  3. gusto ko yung 50 pesos na exchange gift. naalala ko di ko talaga problema ang exchange gift, kasi may tindahan kami, so hihila na lang nanay ko ng pad paper, lapis, bolpen, siguro de lata kung feel ko yung nabunot ko, from the shelves, tapos ilalagay na lang sa box, babalutan, tapos ayun na.

    tapos kumusta yung kung 50 ang price e dapat 50 lang talaga ang ilalagay mo sa gift, as in kokompyutin pa talaga namin ng nanay ko. ANG KURIPOT NA LANG SHET.

    anyway, merry christmas. gusto ko yung picture sa header. ang...artistic. :))

    ReplyDelete
  4. ay pota nag-error yung una kong comment. anyway, tama bang bilangin! hahahaha. at kayo, kayong mga anak ng may-tindahan, ang susuwerte niyo lang. hahahaha =D alavet.

    ReplyDelete